MGA
AKADEMIKONG SULATIN
TALA NG MAY-AKDA / BIONOTE
Ito ay isang uri sulatin kung saan taglay nito ang
pinaikling buod ng mga tagumpay, kakayahan, edukasyong natamo at mga pagsasanay
na natanggap ng isang may akda.
Saan ito madalas gamitin?
·
Pagpasa
ng artikulo, pananaliksik sa dyornal o anotolohiya
·
Pagpapakilala
sa sariling blog/website
·
Pagpasa
ng mga application form sa workshop
·
Paimulang
pagpapakilala ng aplikante sa isang posisyon o iskolarsip
·Tala ng emcee upang ipakilala ang tauhang pandangal
Dalawang uri ng bionote o tala ng may-akda
1.
Maikling
tala ng bionote
1.- madalas na ginagamit para sa mga dyornal at antolohiya
1.- maikli ngunit siksik sa impormasyon at may direktang
ugnayan sa nilalaman ng tala
Ano ang nilalaman ng isang maikling tala ng bionote?
·
Pangalan
ng may akda
·
Pangunahing
trabaho
·
Edukasyong
natanggap
·
Akademikong
karangalan
·
Gantimpalang
natamo
·
Dagdag
na trabaho
·
Organisasyong
kinabibilangan
·
Tungkulin
sa pamahalaan o komunidad
·
Kasalukuyang
proyekto
2.
Mahabang
tala sa may akda
2.- isang prosang bersiyon ng isang curriculum vitae.
Madalas ay nakalimbag ito na may dobleng espasyo at walang pahina
2.
Saan Madalas gamitin
ito?
·
Entri
sa isang ensiklopediya
·
Aklat
ng impormasyon
·
Tala
sa aklat ng pangunahing manunulat
·
Tala
sa hurado ng lifetime achievement award
·
Tala
sa administrador ng paaralan
Ano
ang nilalaman ng isang Mahabang tala ng bionote?
·
Kasalukuyang
posisyon sa trabaho
·
Pamagat
ng mga naisulat
·
Listahan
ng parangal
·
Edukasyong
natamo
·
Training
na nasalihan
·
Karanasan
sa propesyn o trabaho
·
Gawain
sa pamayanan o bayan
·
Gawain
sa organisasyon
·
MGA
DAPAT TANDAAN!
·
Kinakailangan
siksik at malaman sa impormasyon ang isan tala sa may akda o Bionote
·
Kinakailangan
pangalan ang simula nito. Nagsimula and bionote sa pagalan ng taong tinutukoy
nito.
·
Nakasulat
ito sa ikatlong panauhan.
·
Mahalang
may kaugnayan ang nilalaman ng isang bionote sa paksain ng isang publikasyon.
·
May
dalawang uri ng bionote ayon sa hinihingi ng pagkakataon-ang maikli ngunit
siksik at ang mahaba na maihahalintulad sa isang entri ng ensiklopedya.
·
Mahalaga
ito upang ipakilala ang kakayahan ng sarili bilang may-akda o mananaliksik.
·
Si Anamae P. Manlangit ay nagtapos ng Junior
High School sa San Rafael National High School. Siya ay isa sa mga may akda ng
libro na may pamagat na “Mga salik na nakakaapekto sa pagtaas ng kita ng
karinderya sa Barangay San Juan, Bautista St. Goa, Camarines Sur”. Ito ay upang
matukoy ang daloy ng pagpapatakbo ng karindeya. Sa ngayon, siya ay kasalukuyang
nag-aaral sa ilalim ng larang na Accountancy, Business and Management sa
parehong paaralan.
Si Mark Irvin Dongon. Ay nagtapos ng kaniyang
Junior high schoolBilang isang estudyante ng Science Technology and Engineering
(STE) sa Pambansang Mataas na Paaralan ng San Rafael. Kasalukuyan siyang nasa
Ika-labindalawang baitang sa ilalim ng kursong Akademiko at track na
Accountancy and Business Management sa Pambansang Mataas ng San Rafael.
Si Christine Mae F. Mata, labing pitong (17)
taong gulang na mag-aaral ng pampublikong paaralan ng San Rafael National High
School sa bayan ng Tigaon at probinsya ng Camarines Sur. Siya ay nakatira sa
Adiangao, San Jose, Camarines Sur. Kasalukuyan nasa ika-labing dalawang baitang
sa ilalim ng Accountancy and Business
Management (ABM) nang nasabing paaralan. Kanyang napili ang strand
na ito dahil ninanais niyang kunin ang kursong BS Accountancy sa
pagtapak ko ng kolehiyo. Nais niyang makakuha ng scholarship na ino-offer ng SM Foundation at sa ibang
unibersidad tulad ng Ateneo De Naga University upang magamit sa
pagtungtong niya ng kolehiyo. Mayroon siyang matataas na marka lalo na sa
asignaturang Accounting at Business Finance na siyang pangunahing mga
asignatura sa kanyang napiling kurso.
Isa rin siyang aktibo at huwarang mag-aaral sa mababang paaralang
elementarya ng Adiangao. Naging isang pinuno siya ng Supreme Pupil
Government (SPG) ng siya ay nasa ikaanim na baiting pa lamangat ginawaran
ng parangal bilang Leadership award noong siya ay nag tapos sa
elementarya. Isa rin siya sa mga representante ng aming paaralan sa mga
patimpalak. Siya ay nagtapos sa nasabing paaralang elemantarya bilang valedictorian
sa taong 2011-2012. Pagtapak niya ng sekundarya, siya ay nakapasa sa entrance exam sa San Rafael National
High School sa ilalim ng kurikulum na Science, Technology and Engineering (STE).
Nakakasama pa rin siya sa mga huwarang mag-aaral ng kanilang klase noong siya
ay nasa junior high at ika-labing isang baiting. Sa kasalukuyan, siya ay
patuloy paring nagsusumikap upang matupad niya ang kanyang mga mithiin sa buhay
at pangarap para sa pamilya.
ABSTRAK
·
Ito
ay isang buod ng isang sulatinng akademiko tulad ng tesis, disertasyon, o
anumang uri ng pananaliksik.
·
Mahalaga
itong uri ng sulatin sapagkat natutulungan nito ang sinomang mananaliksik o
manunulat na higit na mapaunlad ang isang paksa o sulatin
·
Nakakatulong
din ito upang makita kung ang isang akda ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng
kanyang sinusulat
·
Haba ng isang ABSTRAK
·
Nakabatay
ang haba ng abstrak sa kahingian ng guro ng sinoman o institusyong nagpapagawa
nito.
·
Karaniwan
ding hindi ito lalagpas sa isang pahina at doble espasyo, kung hindi man
itinukoy ang haba ng abstrak, makabubuting itanong ang kahingian ng nagpapagawa
ng abstrak.
Nilalaman ng isang ABSTRAK
·
Makabubuting
tandaan na walang nakasulat na opinion sa isang abstrak. Ang lahat ng nababasa
dito ay nakabatay sa katotohanan. Hindi din maaring magdagdag ng impormasyon na
higit sa makikita sa pananaliksik.
·
Nagsisimula
ang isang abstrak sa rationale ng pag-aaral o pananaliksik, kasunod ay ang
metodolohiyang ginamit at ang mag naging resulta at konklusyon. Isinasama rin
ditto ang espesipikong lunan kung saan ginawa ang pananaliksik.
·
Dapat
tandaan na hindi gaanong tinatalakay ang metodo at teoryang binatayan ng
pananaliksik sapagkat binuod na lamang ito.
HALIMBAWA NG ABSTRAK
·
RATIONALE
·Mahalaga ang pananaliksik na it upang malaman ang
sumusunod na mga aklat na bibilihin ng paaralan para mas higit na makakuha ng
impormasyon at karunungan ang mga mag-aaral sa Paaralang Apolinario Mabini. Sa
gayon, matutuko ang mga materyales na kailangan para sa sumusunod na taon
·
·
METODO
Nakipanayam ang may
akda sa 300 mag-aaral at sinaliksik din ang mga inilalabas na aklat sa aklatan
·
RESULTA
·Nakita sa resulta ng pananaliksik na ang karaniwang
binabasa ng mga mag-aaral sa Grade 11 ay mga literaturang pantasya tulad ng
serye ng graphic noel na Trese ni Budjette Tan at Mythology Class ni Arnold
Arre. Kasama rin sa kanilang mga binabasa ang ilang mga nobela sa seryeng
Ingles na Twilight o Harry Potter. Sa pananaliksik na ito, napatunayang ang mga
mag-aaral sa Grade 11 ng paaralang Apolinario Mabini ay mahilig magbasa ng
literaturang pantasya.
·
·
REKOMENDASYON
·Inererekomenda ng mananaliksik na damihan ang mga gaanong
uri ng akda sa aklatan at gamitin itong batayan ng pag-aaral para sa malalim
pang pagtingin sa kulturang Pilipino
·
Mga Salik sa Pagtaas ng Presyo ng Bigas sa
Lokal ng Tigaon, Camarines Sur”
Ang pag-aaral na ito ay ginawa para alamin ang mga salik na nakakaapekto sa pagtaas ng presyo ng
bigas sa local ng Tigaon, Camarines Sur. Naglalayon din itong sagutin
ang mga sumusunod na suliranin: 1) Anu-ano ang
pangunahing propayl ng nagtitinda? 2) Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa
pagtaas ng presyo ng Bigas? 3) Anong particular na/mga buwan tumataas ang
presyo ng bigas? 4) Ano ang mga epekto ng pagtaas ng presyo ng bigas sa:
Mamimili; Nagtitinda; at komunidad. 5) Ano ang pinakaangkop na estratehiya para
maiwasan ang pagtaas ng presyo ng bigas?
Ang pananaliksik na
ito ay ang pag-aaral,na ito ay matutulungan ang
kamalayan sa usaping ito ang mga mamimili, mga mananaliksik, kumunidad, silid
aklatan, negosyante sa mga salik na nakakaapekto sa pagtaas ng presyo ng bigas
sa local ng Tigaon, Camarines Sur.
Ang mga mananaliksik
ay nakakuha ng resulta na ang salik na nakakaapekto
sa pagtaas ng presyo ng bigas ay kalamidad, Hoarding, at cli“mate change. Ang epekto ng pagtaas ng presyo ng bigas sa
mga mamimili ay ang pagtitipid ng labis. Iminumungkahi rin ng mga mananaliksik
na pag-aralan pa ng marami ang patungkol sa isyu upang maiwasan ang labis na
pagtaas ng presyo ng bigas.
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga Estratehiya na makakatulong sa
Pagpapaunlad ng Negosyong-Restawrant sa Goa, Camarines Sur. Nais sa pag-aaral
na malaman ang mga estratehiyang ginamit ng may mga negosyong-restawrant sa
pagpapaunlad ng kanilang mga negosyo.
Saklaw nito ay ang isang uri ng negosyo “kitchenette” at ang
limitasyon nito ay sa centro
lamang ng bayan ng Goa, Camarines Sur.
Ang instrumentong ginamit sa pagkalap ng datos ng pananaliksik ay ang
talatanungan na inihanda ng mga mananaliksik at panayam sa mga may ari ng
negosyong- restawrant.
Lumabas sa pag-aaral na ito na may siyam na pangunahing
estratehiyang ginagamit ang mga negosyante na makakatulong sa pagpapaunlad ng
kanilang negosyong-restawrant.
Rationale
Saklaw
Metodolohiya
Resulta
BUOD AT SINTESIS
·
Ang
buod ay ang pinaikling bersiyon ng isang akda at hindi nangangailangan ng
marami at iba’t ibang batis, karagdagang ideya, opinion, o tesis tungkol sa
nabasang akda. Inilalahad lamang nito ang mahalagang punto ng nabasa.
·
·
Ang
sintesis naman ay ang malaman at pinaikling besrsiyon ng iba’t ibang batis ng
kaalaman at impormasyon. Sa pagsulat nito, pinagsama-sama ang iba’t ibang ideya
at may magkakatulad at magkakaibang punto-de-bista
·Higit na mas, madami ang kailangang batis sa sintesis
kumpara sa buod.
Bakit Mahalaga ang Isang SINTESIS at BUOD?
·
Mahalaga
ang mga ito upang higit na maunawaan ang kahulugan ng binasa o pinakinggang
panayam o sulatin. Sa pamamagitan nito, mas higit na nagiging organisado ang
pagkaunawa sa isang sulatin. Isa din itong teknik upang mas mapadali ang
magrebyu sa isang aralin o akdang sulatin sapagkat binibigyang diin nito ang
mahahalagang punto ng binasa.
Gaano kahaba ang isang BUOD o SINTESIS?
·
Katulad
ng isang abstract, nakasalalay ang haba ng buod at sintesis sa kahingian nito.
Ngunit ang tiyak ay mas higit na mahaba ang pinagkunang sanggunian kaysa
isusulat na buod o sintesis. Hindi maaaring mas mahaba ang isusulat na buod
kaysa sa materyal na pinagkunan nito. Isa ding nagiging batayan nito ay ang
husay ng magbubuod o magsisintesis nito.
·
Kailangang
tandaan na ang pagkakaiba ng sintesis sa buod ay sa buod pinapaikli ang isang
akda upang maging isang maiksing bersiyon ito samantalang ang sintesis ay hindi
lamang paglalagom ng mahahalagang ideya bagkus ito ay nagbibigay din ng
pagtatasa ng isang ideya na sinulat ng dalawang magkaibang may-akda.
ang ganda ganda po
TumugonBurahin